Wednesday, June 19, 2013

Buwayang mas malaki pa kay Lolong, huhulihin

Puspusan ang paghahanap sa isang dambuhalang buwaya sa Rizal, Palawan na pinaniniwalaang mas malaki pa kay "Lolong."

Nabawi na ng buwayang si "Cassius" mula Australia ang record bilang pinakamalaking buwaya sa mundo matapos mamatay si "Lolong."

Ayon sa mga residente, sa ilog sa Canipaan namataan ang napakalaking buwaya na kasalukuyan nang tinatangkang hulihin.

Sa Palawan Widlife Rescue and Research sa Puerto Princesa hinahanda na ang mga gamit maging ang paglalagyan sakaling mahuli na ang buwaya.

Bukod dito, isa pang contender sa listahan ng malalaking buwaya si "Surigao" na nasa crocodile farm sa Palawan.  


Report from Edinel Magtibay, ABS-CBN News

0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

 
Design by Wordpress Theme | Bloggerized by Free Blogger Templates | coupon codes