Monday, May 6, 2013

Lima patay sa Ash Explosion ng Mayon Volcano

"Five killed and seven are injured, that is the latest report," pahayag ni NDDRMC Chief Eduardo del Rosario. "We do not have the identity of those killed or injured, whether they are foreigners or locals."

Governor Joey Salceda, of Eastern Albay province ay nagbigay ng kaparehong bilang ng mga casualties. Hindi ito makumpirma pa ng mga rescuers kung madaragdagan pa ang mga ito hanggat hindi pa nila napupuntahan ang pinagyarihan.

Sa isang ulat, napabalitang humigit kumulang 20 katao kabilang ang mga foreigners at mga tour guides ang umakyat.

Ayon naman kay Chief state seismologist Renato Solidum, "There is no magma activity. Essentially what happened today is a normal process of a steam-driven explosion". 

Dagdag pa nito at sinabing "minor steam-driven explosion"lamang ang nangyari kayat hindi na kailangan mag evacuate pa ang mga taong naninirahan sa paligid ng Mayon.




0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

 
Design by Wordpress Theme | Bloggerized by Free Blogger Templates | coupon codes