Wednesday, May 1, 2013

Isang Pinoy na GenSan kid inimbitahan sa "Ellen Degeneres Show"

Matapos mapasikat at imbitahan ang ibat ibang personalidad sa larangan ng pagkanta ay heto na namang muli at may inimbitahan na naman si Ellen na isang pinoy.

“Last week I saw this video of a young singer. He’s from the Philippines. You gotta see this kid, amazing,” Pahayag ni Ellen.

“How beautiful is that? It’s that soul in that little boy. So, I’m looking for you. Please come here and sing to me and all of my friends here. You are amazing,” dagdag pa ni Ellen matapos ipakita ang video ng magpinsan.

Ang tubong GenSan na tinutukoy nito at si Aldrich Lloyd Talonding 14 na taong gulang habang kumakanta ng "Dance with my father" kasama ang pinsang si James Walter Bucong na nag gigitara.

Una ng naitampok at naimbitahan ni Ellen sina Kapamilya singer Rhap Salazar at “random girl” Youtube sensation na si Zendee Rose Tenerefe.

Sa isang TV Patrol interview, sinabi at ipinagtapat ni Zendee na sya mismo ang nagsuggest kay Aldrich. "Minessage ko po yung producer ng “Ellen.” Nagustuhan po nila. Abangan po natin soon, baka soon., another Philippine pride,” pahayag ni Zendee.

At dahil dito ay napansin nga ito ng mga producer ng show at pati na rin si Ellen. Abangan na lang natin ang isa na namang pinoy na magbibigay sa atin ng karangalan. Go Aldrich!

Ikaw ang isa sa mga dahilan kung bakit tayo proud sa ating mga sarili na maging pinoy!




0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

 
Design by Wordpress Theme | Bloggerized by Free Blogger Templates | coupon codes