Friday, April 5, 2013

Viloria handa na para magdepensa

Muli na namang idedepensa ni Brian "The Hawaiian Punch" Viloria ang kanyang WBO and WBA flyweight belt laban sa Mexican boxer na si Juan Estrada.

Sinabi ni Viloria na hindi nya minaliit kailanman ang kanyang mga nagiging kalaban at bagkus ay pinaghahandaan nya ito ng husto upang makapagpakita ng magandang laban.

Si Estrada naman ay galing sa pagkatalo kaya't umaasa si Viloria na mas magiging agresibo ito at nakahanda naman ang pinoy champ para dito.

Ibinunyag ni Viloria ang plano na tirahin ang Mexican boxer sa kanyang bodega kung saan nito mapapabagal ang kalaban at kung saan sa tingin nito ay mas mahina.

Sa huli sinabi ni Viloria na bibigyan nya ng mgandang laban ang mga pinoy manalo man ito oh matalo sa anuman at kaninong laban.

Saludo kami sa iyo Brian, nawa'y maipagtanggol mo ang iyong titulo sa isa pang pagkakataon!




0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

 
Design by Wordpress Theme | Bloggerized by Free Blogger Templates | coupon codes