Tuesday, April 23, 2013

Pacquiao inalok ng $6M si Bradley

Matapos ianunsyo ng kampo ni Juan Manuel Marquez ang laban nila ni Timothy Bradley sa Setyembre 14 sa Las Vegas ay agad naman itong itinanggi ng kampo ni Bradley.

Ang manager ni Bradley na si Cameron Dunki ay naglabas ng isang pahayag na pinabubulaanan ang naunang ipinamalita na ng Mexican Superstar.

Target ni Marquez na makagawa ng mas matibay na pangalan kung saka-sakaling makukuha nya ang titulo kay Bradley dahil wala pa ni isa mang Mehikano na nagkaroon ng higit sa limang titulo sa limang dibisyon.

Dahil dito nag bigay ng offer ang kampo ni Pacman ng guarantee $6M upang labanan lamang si Pacquiao sa Oct. 13 sa The Venetian sa Macau kasama ang Hall of Fame at promoter Bob Arum ng Top Rank at kapartner ang Sands China.

"We have offered Bradley that amount," saad ni Koncz sa Los Angeles.

Sakali mang hindi pumayag si Bradley at mayroon pa silang ibang napipisil ngunit hindi pa ito pinangangalanan.







0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

 
Design by Wordpress Theme | Bloggerized by Free Blogger Templates | coupon codes