Sunday, April 14, 2013

NCRPO Director Espina: Mga kapulisan 50 meters away

Dahil sa nalalapit na eleksyon ngayong Mayo 13, 2013, inatasan ni NCRPO Director Leonardo Espina ang lahat ng mga station commanders sa Maynila.

Inatasan ang mga ito na huwag makisawsaw sa pulitika lalo pa't mahigpitan ang laban sa pagka-alkalde sa Manila.

Naglalaban dito ang re-electionist na si Mayor Alfredo Lim at ang dating Mayor at Presidente na si Joseph Estrada.

Dahil dito, inatasan ang mga kapulisan na dumistansya ng 50 metro sa area ng bawat kandidato. 

"Kung may violation ang isang kandidato, dapat tignan munang mabuti kung may basehan para hindi makasuhan ng electioneering ang isang pulis." pahayag ni Espina.

Si MPD Officer in Charge Senior Supt. RObert G. Po ang nag ulat ng kautusang ito ni Espina kahapon sa Balitaan sa Tinapayan.

Tiniyak nama ni Po na gagawin niya ang kanyang makakaya para mabigyan ng solusyon ang mga problemang kinakaharap ng MPD.




1 comments:

feRry jHoi ^.^ said...

Eleksyon nanaman!!!

>> pabisita lang

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

 
Design by Wordpress Theme | Bloggerized by Free Blogger Templates | coupon codes