Saturday, April 6, 2013

Laban ni Pacquiao hindi sa amerika gaganapin

Isa lamang sa Singapore o sa Macau ang pinagpipilian na lamang ng kampo ni Pacquiao para sa kanyang susunod na laban. Ayon ito sa mismong promoter ni Pacquiao na si Bob Arum at sinang ayunan ng Canadian adviser na si Michael Koncz.

Aminado naman ang team Pacquiao na magkakaroon ito ng malaking epekto lalo na sa kikitain sa pay-per-view kung sakaling sa labas ng United States magaganap ang laban.

"I think were going to lose some pay-per-view buys but I don't agree with Bob Arum that were going to lose half of it." pahayag ni Koncz sa Boxingscene.com.

"I think maybe 20% will be lost but I think if we do the fight on the time slot of HBO pay-per-view -- people will still watch the fight." 

Gustong makita ng mga tao ang labanang Pacquiao-Marquez V, ngunit kung hindi pumayag ang Mehikanong boksingero ay marami pa namang maaring labanan ni Pacquiao.

Nariyan pa si Bradley na umagaw ng knayang titulong WBO welteweight crown. Nariyan din si welterweight titlist Mike Alvarado.

Isa lang ang mahalaga, ang magandang laban na ihahain ni Pacquiao-walang duda. Pumayag man si Marquez o hindi, magandang laban pa rin ito siguro.





0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

 
Design by Wordpress Theme | Bloggerized by Free Blogger Templates | coupon codes