Monday, April 29, 2013

Heat at Spurs pasok na sa Semis, Celtics humirit pa ng isa

Tinapos ng Miami Heat ang pagasa ng Milwaukee Bucks na muli pa silang makakabangon sa 3-0 lead nito para makapasok sa semis.

Nagtapos si Lebron James ng 30 puntos at 8 rebounds para pangunahan ang Heat. DUmagdag naman si Ray Allen ng 16 points mula sa 4/7 3point shooting. 

13 points naman si Haslem at 10 naman para kay Chris Bosh. Nagtapos ang laro sa score na 88-77.

Samantala sa sweep naman na ginawa din ng Spurs sa Lakers ay umiskor si Duncan ng 11 points at ang top scorer ng laro na si PArker ay may 23 puntos.

Nagtapos ang laro sa score na 103-82.

Sa isa pang laro ng New York at Celtics ay muling nagkaroon ng pagasa ang mga Greens. Tumapos man ng 36 puntos si ANthony ay hindi nito naibandera ang sweep laban sa Celtics na pilit pa rin lumalaban.

Nagtapos sa over time ang laro sa score na 97-90 ng umiskor si Pierce ng 29 points at nagdagdag si Jeff Green ng 26 at 18 naman kay Jason Terry.





0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

 
Design by Wordpress Theme | Bloggerized by Free Blogger Templates | coupon codes