Saturday, April 27, 2013

Ginebra unang kampay sa panalo

Sa muling pagpasok ng Brgy. Ginebra Gin Kings sa semi finals ay muli silang nakaisa bunga ng pagsilat nila sa 2nd seeded na Rain or Shine noong nakaraang laro.

Sumugod ang 14,627 na mga fans kagabi sa Smart Araneta Coliseum para mulign suportahan ang Barangay Gin Kings.

Hindi naman nadismaya ang mga fans dahil tinambakan ng GIn Kings ang Tropang Texter sa iskor na 104-81 sa pagsisimula ng kanilang Best of Five semi finals patungong Finals.

"I told them in the dugout, yung pinaghirapan natin sa first half, if were gonna let it go parang wala lang. I told them to stay humble and work hard. We beat a very strong organized team, we went out there just to play. Nakuha namin gusto naming mangyari." pahayag ni Coach Alfrancis Chua.

"For sure, TNT will come back, champion team yan. Were just gonna be ready kung anong bibigay nila sa amin." dagdag pa nito.

Bukas aasamin ng Gin Kings ang bentaheng 2-0 lead para sa Kampeonato sa Smart Araneta pa rin.



0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

 
Design by Wordpress Theme | Bloggerized by Free Blogger Templates | coupon codes