Friday, April 5, 2013

Commander at tatlo pang nitong crew sinibak ng US Navy

Noong nakaraang huwebes ay ipinaalam ng US Navy na nirelieve na sa pwesto ang Commanding Officer ng US minesweeper pati na rin ang tatlo nitong mga crews.

Ayon sa imbestigasyon at opisyal na pahayag ng US Pacific Fleet in Hawaii na ang Commander at tatlo nitong crew ay nagkaroon ng pagkukulang.

"Adhere to standard US Navy navigation procedures." "The US Navy has the highest accountability standards and all four sailors were relieved by Rear Admiral Jeffrey Harley due to their role in the grounding and a loss of confidence,"

Ang USS Guardian na sumadsad sa Tubbatahareef sa Sulu Sea noong January 17 ay naialis na at sa ngayon ay pinagaaralan kung magkano ang kabuuang pinsala na natamo ng reef.

Humingi ng paumanhin ang US government para sa naturang insidente na sinisisi ang mga maling inprint sa kanilang mga mapa.

Ang ating Gobyerno ay naglabas ng pahayag na sila ay magpapataw ng mga fines para sa kabuuang sira ng mga reefs at umaasa na ang America ay tutulung din sa pagsasayos muli nito.

0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

 
Design by Wordpress Theme | Bloggerized by Free Blogger Templates | coupon codes