Tuesday, April 23, 2013

23 Pangolins nasabat

Kamakailan lamang matapos sumadsad ang isang fishing vessel ng China sa Tubattaha Reef ay napagalamang mayroon itong humigit isang daang patay at frozen na mga pangolins na pinaniniwalaang nanggaling sa Palawan.

Ang mga Pangolin (Ant Eater) ay isa na sa mga "near-threatened" na species ayon sa Swiss-based International Union for the Conservation of Nature.

Dahil sa pangyayaring ito pinaigting ng ating gobyerno ang kaso ng mga susupected illegal trafficking ng mga nasabing hayop.

Sa pagkakataong ito, muli na namng nakasabat ang ating gobyerno noong sabado sa ikalawang kaso ng Pangolin Trafficking mula sa isang cargo ship na pinaghihinalaang galing ng Palawan at papunta ng Manila paniniwala ni Palawan environment official Alex Marciada.

Nasabat nila ang 23 Pangolins ngunit 22 na lamng dito ang buhay at ang isa ay patay na. "At least we got them (the 22 live pangolins) back and we are now trying to rehabilitate them at the rescue centre," banggit nito sa AFP.

Ang panghuhuli ng mga itinuturing na endangered species na ito ay may parusang hanggang 20 taon pagkakakulong.

Sa ngayon ang mga buhay na Pangolins ay nasa pangangalaga na para sa kanilang rehabilitasyon. 

Pinaniniwalaang ang mga Pangolins ay kinokonsiderang delicacy at gamit sa panggagamot sa bansang China.




0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

 
Design by Wordpress Theme | Bloggerized by Free Blogger Templates | coupon codes