Thursday, March 14, 2013

Pope Francis: Jorge Mario Bergoglio
















Ang secret conclave ng mga katoliko para sa pinaka mataas na titulo ng simbahang ay natapos alas dos (2AM) ng madaling araw dito sa pilipinas o alas siyete (7PM) ng gabi sa oras sa Vatican.

Naghiyawan ang mga tao matapos makita ang puting usok na lumalabas. "Habemus Papam!" maligayang bati ng mga dibotong katoliko na nagabang sa bagong santo papa.

Cardinal Jorge Mario Bergoglio ng bansang Argentina ang bagong nahalal na Santo Papa. Kauna-unahang Argentinian, Latin American na Santo Papa sa loob ng humigit kumulang 1,300 taon.

Ang 76 na taong gulang na anak ng taga-gawga ng railway ay lumabas sa balkunahe ng St. Peter's Basilica bilang bagong Santo Papa na tatawaging "Pope Francis".

Si Pope Francis ang ika-266 na Pope sa kasaysayan ng simbahang katoliko. Naging isa siyang Cardinal noong 2001 sa pamumuno ni Pope John Paul II.

"Long live the Pope!" sigaw ng napakaraming deboto na matiyagang naghintay. 

Di man pinoy ang naging bagong santo papa, alam nating malaki ang nakaatang rito upang pagbuklurin ang mga katoliko sa buong mundo.

Bilang isang katoliko, suportahan natin ang ating bagong Santo Papa. "Long live the Pope!"









0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

 
Design by Wordpress Theme | Bloggerized by Free Blogger Templates | coupon codes