Wednesday, March 6, 2013

La Salle Lady Spikers 3peat!
















Congratulations to the Lady Spikers na muli na namang nakagawa ng isang 3peat para sa kampeonato ng UAAP Womens Volleyball Finals kahapon.

Una ng kinuha ng La Salle ang kanilang 3peat noong 2003, 2004 at 2005.

Isinara ng Lady Spikers ang laban matapos dominahin ng tatlong set lamang ang laro ng Game 2 sa score na 25-23, 25-19 at 25-16.

Tumabo sa takilya ang mga labang ito matapos manood ang 18,779 fans na nagsiksikan sa Mall of Asia sa Pasay City.

“Sabi ko sa kanila, hayaan lang ako mag-coach, sundin ang instructions ko at makakadikit tayo. I just told them to control their emotions sa second set. Nung nakuha na namin yung second set sabi ko sa kanila kaya na namin ito (i-sweep),” masayang sabi ni Coach Ramil De Jesus.

Umiskor si Mika Reyes ng 16 markers kasama na dito ang 7 blocks at 4 service aces. Samantala nagdagdag sina Marano at Galang ng tig-12.

Sa ngayon tumabla na ang La Salle sa University of the Philippines at tinanghal na ikatlo sa mga pinakamaraming titulo sa mundo ng UAAP Volleyball.

Muli Congrats sa Lady Spikers!

Narito ang mga nakakuha ng awards:

-Season Most Valuable Player - Victonara Galang & Abigail Maraño
-Rookie of the Year - Aiko Urdas
-Best Scorer - Alyssa Valdez
-Best Attacker - Myla Pablo
-Best Blocker - Abigail Maraño
-Best Server - Sheila Pineda
-Best Digger - Jennylyn Reyes
-Best Setter - Jamenea Ferrer
-Best Receiver - Jennylyn Reyes

0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

 
Design by Wordpress Theme | Bloggerized by Free Blogger Templates | coupon codes