Tuesday, March 26, 2013

Azkals to Maldives matapos talunin ang Turkmenistan

Muli na namang pinatunayan na habang tumatagal ay lalong tumatalim ang pangil ng Philippines Azkals matapos talunin sa unang pagkakataon ang bansang Turkmenistan ngayong gabi sa Rizal Memerial Stadium.

Mahigpit ang laban na nagresulta sa 0-0 score matapos ang half time hanggang sa muling sumiklab ang no.1 Spiker ng Azkals na si Phil Younghusband sa 66th minute ng laro.

Isang malakas na sipa ang pinakawalan nito na tumagos sa 2 defender pati na rin sa goal keeper. Subalit sa kagustuhang umiskor muli ni Phil ay nagfrustrate ito at nagkaroon ng yellow card matapos hawakan ang isang Turk sa huling mga minuto ng laro.

Dahil dito ay napatalsik si Phil sa ikalawa nitong yellow card sa laro. 

Sa kabila ng kalungkutang pagkakaroon ng yellow card ay hindi ito inalintana ng mga Azkals at ito pa ang naging dahilan upang higpitan ang kanilang depensa.

Matatandaan huling tinalo ng mga Turk ang Azkals matapos nitong makaiskor ng 2 sunod dahilan upang manalo sa score na 2-1.

Kahit natalo ang Turk ay qualified pa rin ito sa Maldives sa 2014.

Ang Challenge CUp 2014 ay mula March 8-23, 2014. Walong Team at isang winner para sa slot sa Asian CUp 2015 na gagawin naman sa Australia.

Kasama rito ang mga Group Winners na Myanmar (A), Kyrgyzstan (B), Afganistan (C), Palestine (D), Phillipines (E) at ang mga second placers na Bangladesh at Turkmenistan.

Muli ay binabati namin ang mga players ng Philippine Azkals! Mabuhay! Maldives 2014 here goes the Philippine Azkals!




0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

 
Design by Wordpress Theme | Bloggerized by Free Blogger Templates | coupon codes