Tuesday, November 27, 2012

Azkals on AFF Suzuki Cup Semi Finals!

Matapos ang pagkatalo sa Thailand sa unang laban ng Philippine Azkals ay muling bumawi ang mga pinoys. Muling lumabas ang pangil ng mga Azkals at sinakmal ang Vietnam sa score na 1-0.

Sa huling mga minuto ng laro ay mahigpit ang laban at tabla pa rin ang score 0-0. Sa huling tsansa ng substitution ay ipinasok si Chiffey Caligdong labinlimang minuto na lamang ang nalalabi.

Ngunit sadyang di patatalo ang mga pinoy at nagmula ang kaisa isang puntos sa numero 13 ng mga Azkals na si Caligdong.

Mula sa pasa ni Guirado sa kanan ay lumapit ang bola kay Caligdong upang isipa ang bola at makaiskor sa ika-85 minuto ng laro.

Muling humanap ng butas ang Vietnam para maitabla ang laro ngunit isang hero saving block ang nagawa ni Ed Sacapano na goal keeper ng Azkals.

Ngayon ay pasok na ang Azklas sa semi finals kasama ang Thailand na unang tumalo sa kanila. Way to go Azkals!

Galing Chiffey Caligdong!



Thursday, November 15, 2012

Amalayer! Dinaig mo si Robert Blair!



Ito ang pinaka sikat sa You Tube ngayon maging sa facebook. Si ate "Amalayer" na binongga ng husto si ate lady guard.

Iba't iba ang kuro kuro ng mga tao sa kwentong ito pero isa lang ang totoo. Sikat ka na ngayon!

Sa pagsu-surf ko ng facebook ngayong araw ay puro ikaw ang balita. May mga litratong gawa ng kung sino sino na ikaw ang bida.

Pero ito talaga ang pinagsimulan mo ate. Cge panuoorin mo ulit at mapagtanto mo. Dinaig mo pa ata si Robert Blair!





Wednesday, November 7, 2012

19 Party List inalis pa

Labing syam pa diumano ang tinanggal ng COMELEC (Commission on Elections) na party list para makalahok sa eleksyon sa susunod na taon.

Kabilang sa mga ito ay ang labing apat na dati ng tumakbo bilang mga party list. Kasama sa mga listahang ito ang Aama, Bayani, Abang-lingkod, Aan, iAipra, Cocofed, Ame, Greenforce, Firm 24-K, Alim, Alma, Kaagapay, Anad at Smart.

Dagdag pa ang dalawa ring tinanggal ngunit pinanatili ang pagkilala bilang mga political party. Ito ay ang Kabaka at Alliance of Bocolnon party.

Tatlo pa ang mga bagong aplikante na inalis din, ang Kalikasan, A-seamariners at Edsa. Hindi sila binigyan ng accreditation ng COMELEC.

Patunay ito na mas pina-igting na ng ating Commission on Elections ang pamantayan ng mga party list. Hindi porke may party list ka ay sigurado ka na, at lalong hinding kapag may kapit ka eh pasado ka na sa iyong mga party list.

Saludo kami sa bumubuo ng COMELEC ngayon para sa 2013 Elections. Ipagpatuloy ang gawain ganito!







Saturday, November 3, 2012

No CCTV, No Business Permit sa Quezon City

Magsisimula sa Enero 2013 ay ipatutupad na ng Quezon City Government ang No CCTV, No Business Permit Policy sa naturang lungsod.

Ito ay ayon sa atas ng QC Mayor Herbert M. Bautista kay Business Permit and Licensing Chief Garry Domingo na impormahan na ang tanggapan simula ngayon buwan ng Nobyembre pa lamang.

Ang mga business owners ay inuutusang maglagay muna ng CCTV sa kanilang mga istablisimyento bago mabigyan o magrenew ng kani-kanilang mga permit.

Ang polisiyang ito ay istriktong ipatutupad ng lungsod lalong lalo na sa mga bangko, sanglaan, gas stations, malls, supermarkets at mga paaralan upang maprotektahan ang mga buhay ng mga owners at mga kliyente nito.

Kaya simula ngayong buwan ay tiyak na ang paglalagay ng mga CCTV ng mga establisimyento sa QC na sa tingin namin ay isang napakahusay na polisiya ng lungsod.

Sana sa ibang lungsod ay sumunod rin sa polisiyang ito ng Quezon City, hindi lamang para gumaya kundi para na rin sa kaligtasan ng bawat isa.

Saludo kami sa inyo Mayor Herbert Bautista!




Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

 
Design by Wordpress Theme | Bloggerized by Free Blogger Templates | coupon codes