Sunday, December 9, 2012

Matalo - Manalo, Pacman pa rin

Sa muling pagtutunggali ng ating pambansang kamao na is Manny Pacquiao laban sa mehikanong si Juan Manuel Marquez ay nakatutuko ang buong mundo.

Bakit nga naman hindi mo tututukan ay ito na ang kanilang ika-apat na pagtutuos simula ng magkasagupa sila. Sa huling tatlong laban ay si Manny Pacquiao ang nagwagi. 2-1 para kay Manny na nanalo via spilt decision sa ikalawa at ikatlong laban. Nauwi naman sa draw ang una.

Ngunit iba ang naging istorya ngayong araw. Si Manny, first time nating makitang ma-knock out. Sa umpisa pa lang ng laban ay makikita na natin ang gigil sa magkabilang boksingero. Kungbaga, eto na ang huli at parehas silang gigil na patunayan kung sino talaga ang pinaka mahusay.

Si Manny, 3rd round nabilangan ng knock out. Si Marquez sa 5th round naman nabilangan. Pero sa ika-anim na round kasabay ng pagtunog ng bell, Si Manny ay hindi na muling nakatayo pa.

Knock out. Isang straight counter punch na pinakawalan ni Marquez ang nagpatulog sa ating pambansang kamao. Nagulantang ang Pilipinas. Maski ako. Hindi ako makapaniwala sa aking napapakinggan sa radyo.

Si Jinkee, umiiyak at nag  hehesterical na habang nakikitang walang malay si Manny - nakadapa at ang mga kamay ay ipit sa katawan.

Maraming kumalat sa internet at mga social networking sites tungkol sa balita. Maraming naglabasan katulad ng isang ito.


















Ang sabi nadaya na naman. Tinapakan na naman ang paa. 

Para sa akin tama na. Tanggapin natin ang ating pagkatalo. First time is first time. Unang beses natin nakitang nagkaganito ang ating idolo ay hindi ibig sabihin na katapusan na natin. 

Tandaan, "Ang mga pilipino ay mas nakikilala sa pagbagsak at muling pagbangon nito." 

Natalo man si Manny, hindi ito katapusan nating mga pilipino. Araw lang ng mga mehikano. Bukas at sa mga susunod pang araw, malamang atin naman.

Isa pa nating dapat tandaan: "Ilang mehikano ang pinabagsak ni Pacquiao? Sagot - Manny (Many). Ilang mehikano ang tumalo kay Pacquiao? Sagot - Juan (One)."

So bakit malulungkot?

Matalo - Manalo, Pacman pa rin!

Go Manny! We're still proud of you! Next year babawi tayo. Or should I say, next week! (between Donaire vs Arce)







1 comments:

kim said...

tama! hindi tayo dapat mawalan ng tiwala kay manny...

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

 
Design by Wordpress Theme | Bloggerized by Free Blogger Templates | coupon codes