Saturday, November 3, 2012

No CCTV, No Business Permit sa Quezon City

Magsisimula sa Enero 2013 ay ipatutupad na ng Quezon City Government ang No CCTV, No Business Permit Policy sa naturang lungsod.

Ito ay ayon sa atas ng QC Mayor Herbert M. Bautista kay Business Permit and Licensing Chief Garry Domingo na impormahan na ang tanggapan simula ngayon buwan ng Nobyembre pa lamang.

Ang mga business owners ay inuutusang maglagay muna ng CCTV sa kanilang mga istablisimyento bago mabigyan o magrenew ng kani-kanilang mga permit.

Ang polisiyang ito ay istriktong ipatutupad ng lungsod lalong lalo na sa mga bangko, sanglaan, gas stations, malls, supermarkets at mga paaralan upang maprotektahan ang mga buhay ng mga owners at mga kliyente nito.

Kaya simula ngayong buwan ay tiyak na ang paglalagay ng mga CCTV ng mga establisimyento sa QC na sa tingin namin ay isang napakahusay na polisiya ng lungsod.

Sana sa ibang lungsod ay sumunod rin sa polisiyang ito ng Quezon City, hindi lamang para gumaya kundi para na rin sa kaligtasan ng bawat isa.

Saludo kami sa inyo Mayor Herbert Bautista!




0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

 
Design by Wordpress Theme | Bloggerized by Free Blogger Templates | coupon codes