Tuesday, November 27, 2012

Azkals on AFF Suzuki Cup Semi Finals!

Matapos ang pagkatalo sa Thailand sa unang laban ng Philippine Azkals ay muling bumawi ang mga pinoys. Muling lumabas ang pangil ng mga Azkals at sinakmal ang Vietnam sa score na 1-0.

Sa huling mga minuto ng laro ay mahigpit ang laban at tabla pa rin ang score 0-0. Sa huling tsansa ng substitution ay ipinasok si Chiffey Caligdong labinlimang minuto na lamang ang nalalabi.

Ngunit sadyang di patatalo ang mga pinoy at nagmula ang kaisa isang puntos sa numero 13 ng mga Azkals na si Caligdong.

Mula sa pasa ni Guirado sa kanan ay lumapit ang bola kay Caligdong upang isipa ang bola at makaiskor sa ika-85 minuto ng laro.

Muling humanap ng butas ang Vietnam para maitabla ang laro ngunit isang hero saving block ang nagawa ni Ed Sacapano na goal keeper ng Azkals.

Ngayon ay pasok na ang Azklas sa semi finals kasama ang Thailand na unang tumalo sa kanila. Way to go Azkals!

Galing Chiffey Caligdong!



0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

 
Design by Wordpress Theme | Bloggerized by Free Blogger Templates | coupon codes