Wednesday, November 7, 2012

19 Party List inalis pa

Labing syam pa diumano ang tinanggal ng COMELEC (Commission on Elections) na party list para makalahok sa eleksyon sa susunod na taon.

Kabilang sa mga ito ay ang labing apat na dati ng tumakbo bilang mga party list. Kasama sa mga listahang ito ang Aama, Bayani, Abang-lingkod, Aan, iAipra, Cocofed, Ame, Greenforce, Firm 24-K, Alim, Alma, Kaagapay, Anad at Smart.

Dagdag pa ang dalawa ring tinanggal ngunit pinanatili ang pagkilala bilang mga political party. Ito ay ang Kabaka at Alliance of Bocolnon party.

Tatlo pa ang mga bagong aplikante na inalis din, ang Kalikasan, A-seamariners at Edsa. Hindi sila binigyan ng accreditation ng COMELEC.

Patunay ito na mas pina-igting na ng ating Commission on Elections ang pamantayan ng mga party list. Hindi porke may party list ka ay sigurado ka na, at lalong hinding kapag may kapit ka eh pasado ka na sa iyong mga party list.

Saludo kami sa bumubuo ng COMELEC ngayon para sa 2013 Elections. Ipagpatuloy ang gawain ganito!







0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

 
Design by Wordpress Theme | Bloggerized by Free Blogger Templates | coupon codes