Sunday, October 7, 2012

Cybercrime Law, Maaabuso

Ang kontrobersyal na Republic Act 10175 o mas kilala sa tawag na Cybercrime Prevention Act of 2012 ay malamang sa malamang na magreresulta ng paghihigpit sa karapatan ng malayang pamamahayag sa bawat isa. Press man o simpleng mamamayan lang.

Sinabi ni Cagayan Rep. Jack Ponce Enrile Jr. (unang distrito) na, "Yes, I do support moves to amend the law... it wasn't fully debated and discussed in Congress which surprised most members in both chambers why it was passed given certain controversial provisions."

"Libel is libel. It doesn't matter which media I used; we already have laws pertaining to it." dagdag pa ng Kongresista.

Malinaw sa ating lahat na hindi ito lubusang pinagdebatihan bago ito ipinasa agad. Samo't saring protesta ang ginawa ng mga tao hinggil sa tengang kawali na mga pulito na tila nagmamadaling ipasa ang batas na ito.

Gayun pa man, hindi pa rin malinaw sa bawat isa kung hanggang saan ang limitasyon ng sinasabi ng batas na ito. Ang parusa ay wala pa ring pinal ng inilalabas kung kaya't alam na alam nating maaabuso ang batas na ito sa pilipinas.

Biruin mo, maglike ka lang oh magshare ng isang photo oh shout out ay pwede ka nang isali sa kasong ito? Ganun ba ang gusto nyo mga mambabatas?

Nasaan ang malayang pamamahayag? Tila ata binibigyan nyo kami ng tapal sa sarili naming bibig at kagatin ito at tumahimik na lamang. Nasan ang hustisya nito?

"It is loosely stated and can be abused and thus result in suppression of basic right to freedom of expression."

Magising kayo, gumagawa lang ba kayo ng ingay para maging matunog sa halalan sa 2013? Kung oo, sori, malalaglag ka.

0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

 
Design by Wordpress Theme | Bloggerized by Free Blogger Templates | coupon codes