Sunday, October 7, 2012

Cristine Reyes: FB Shoutout, May Pinatatamaan?

Hindi pa nadidisisyunan ng korte ang kasong isinampa ng nakatatandang kapatid ni Crisitne Reyes laban sa kanya ay tila may umuusok na namang bangayan.

Hindi ito pinangalanan ni Cristine ngunit basang basa mo sa kanyang mga shout out na galit na galit ito at paniguradong may pinatatamaan ito.

"Sige, I claim it. I'm the baddest sister... Kasi, bumuo sila ng happy family na hindi ako na-briefing na ako pala ang financial sponsor sa lahat ng gastusin nila sa kanilang "happy family" from single to taken to husband and a father." shout out ni Cristine.

"Ako pala ang dapat sisihin sa lahat. =) I loveit... Papakuba ka sa work, sila papakasaya sa bigay na pinaghirapan ng ibang tao. Kung makautang, wagas. Kapag di makakuha, wagas din ang galit sa akin =)" dagdag pa ni Cristine.

Mayroong mga kaibigan ang mga nagcomment at tila nag-eenjoy din naman si Cristine na sagutin ang mga ito ng pabiro at may halong katotohanan.

"Puwede akong patattoo sa forehead ko: ATM MACHINE. Hahahahaha! Joke =p" isa pang banat ni Cristine sagot naman sa isang kaibigan.

Kung kanino man ito tumutukoy ay tila hindi pa natin wari sa ngayon, ngunit alam nating sa takdang oras ay lalabas din ito.

HIntayin na lamang natin ang kanilang opisyal na pahayag at huwag munang magkuro kuro at mauna sa mga taong involved dito.

Teka, ano kaya ang say ni Ate Ara Mina dito?




0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

 
Design by Wordpress Theme | Bloggerized by Free Blogger Templates | coupon codes