Friday, September 21, 2012

Gilas Pilipinas 2.0 Nasilat ng Iran

Muli na namang nakalasap ng pagkatalo ang Gilas PIlipinas 2.0 sa kasalukuyang nagaganap na FIBA Asia Cup 2012 sa Tokyo Japan.

Ito ay matapos matalo ng 17 puntos mula sa power house team ng Asia - ang Iran. Nagtapos ang laro sa iskor na 77-60 pabor sa Iran sa laban para sa Gold game kalaban ang mananalo sa Qatar-Japan games.

Umiskor lamang si Marcus Douthit ng 11 puntos at kumuha ng 7 rebounds lamang. Ito ay matapos mafoul trouble ang sentro ng mga Gilas kabilang na si Douthit matapos ang mahigpit na depensa ng mga Iranian.

Tumapos ang Gilas na may 23 turn overs upang singilin ito ng mga Iranians. Hindi rin maganda ang shooting ng mga top gunners na sina Jeff Chan, Gary David at Larry Fonacier.

Makakaharap ng Gilas para sa Bronze game ang matatalo sa laban ng Qatar at Japan bukas ng ala una (1PM) ng hapon.

Subaybayan at suportahan pa rin natin ang Gilas 2.0 bukas. Go Gilas Pilipinas!






0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

 
Design by Wordpress Theme | Bloggerized by Free Blogger Templates | coupon codes