Wednesday, September 19, 2012

Final Four tatangkain ng Gilas 2.0

Kakaharapin ngayon ng Gilas Pilipinas 2.0 ang koponan ng Chinese Taipei para sa tangkang pagpasok sa Semi Finals ng FIBA Asia Cup sa Ota Gym ngayong araw.

Ito'y matapos makapasok ng pilipinas ng magkamit ng 3-1 win loss record. Unang nagapi ang Gilas sa opening day ng China ngunit hindi na nilingong muli ang mga sumunod na kalaban para makatatlong sunod na panalo.

Hindi pa nananalo ang Chinese Taipei sa tatlong laro laban sa mga Pinoy at hangad ng mga pinoy na sunod sunurin na ito sa pag-asang gapiin muli ito.

Noong 2010 ay pumang-apat lamang din ang pilipinas sa FIBA Asia na ginanap sa Beirut at aasang muli ang mga pinoy na mas maganda ang kalalabasan ng mga tropa ni Coach Chot Reyes.

"They're difficult to play because they are good shooters and they keep on moving. But I think we can handle them." Giit ng MVP noong Jones Cup na si L.A. Tenorio.

"I always regard Chinese Taipei as a dangerous opponent much more here where they have best Chinese Taipei team that I've seen. They have their experienced players and their good young talents here." pahayag ni Coach Chot Reyes.

Ano pa man ang kahantungan ng ating Gilas 2.0 team ay magiging proud pa rin ang mga pinoy sa pinakita nitong mga laro. 

Tunay ngang unti unti na naman nating naabot ang mga pangarap natin sa larangan ng basketbol. Tulad dati, Pilipinas ang isa sa power house team sa Asia, ngunit bigla tayong naungusan ng mga karatig bansa.

Panahon na para muling bumangon at kunin ang titulo. Ariba Gilas Pilipinas 2.0!


Mga laro ngayon:

11:30 - Iran Vs Uzbekistan
02:00 - Philippines Vs Taipei
04:30 - Lebanon Vs Qatar
07:00 - Japan Vs China







0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

 
Design by Wordpress Theme | Bloggerized by Free Blogger Templates | coupon codes