Saturday, August 11, 2012

USA vs Spain para sa gold ng basketball sa olympics

Muling maghaharap ang pangunahing player ng LA Lakers hindi para sa isang laban sa NBA season kundi para sa isang laban sa gold medal game sa London Olympics 2012.

Sina Pau Gasol ng Spain at Kobe Bryant ng USA ay maghaharap mamaya para sa gintong medalya. Ito ay isang napakagadang rematch mula ng Beijing Olympics noong 2008.

Tinalo ng USA ang team nila Manu Ginobili at Scola sa score na 109-83 para sa elimination game noong biyernes at binigo naman ng Spain ang Russia sa kanilang ikalawang paghaharap sa score na 67-59.

Inaasahan ng babawi ang team ng USA para muling sunkitin ang gintong medalya para sa larong basketball at manatili ang no.1 spot sa buong mundo para sa larong ito.

Ang Spain o ang no. 2 spot ay umaasang muling maiisahan ang mga amerikano sa pamamagitan ng kanilang mga NBA palayer na magkapatid na Gasol at iba pa.

Subaybayan natin ang sagupaan ng dalawang top seeded teams ng basketball ngayon. 




0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

 
Design by Wordpress Theme | Bloggerized by Free Blogger Templates | coupon codes