Monday, August 6, 2012

Metro Manila nasa Red Alert Water Level na

















Inilagay na sa Red Alert ang Metro Manila sa mga oras na ito (07:35am) dahil sa patuloy na pagbuhos ng malakas ng ulan. Ang Red Alert Level ay nangangahulugan ng 30.0mm/h na water level na ang ibig sabihin ay mataas na pagbaha sa buong Metro Manila.

Ang water level ng Marikina River ay nakataas na sa 3rd Alarm at ngayon ay nasa critical level na sa taas na 18.5m. Dahil dito inillikas na ng puwersahan ang mga tao sa kani-kanilang mga tahanan sa buong Metro Manila lalong lalo na ang mga kabahanyang malapit sa ilog at mga creek.

Inaaasahan pa rin ang tuloy tuloy na pag-uulan hanggang bukas ayon sa PAGASA. Samanatalang ang BInga at San Roque Dam ay nagpakawala na ng tubig.

Ang San Mateo River at Tulyahan River ay nasa critical level na rin.


Manatiling nakakatutok para sa mga maiinit pang mga balita.







0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

 
Design by Wordpress Theme | Bloggerized by Free Blogger Templates | coupon codes