Saturday, July 21, 2012

SONA: Aabangan ng karamihan
















Sa nalalapit na SONA ng Pangulong Benigno Aquino III, maraming mambabatas ang ang nagnanais marinig mula sa pangulo ang magiging solusyon at plano nito sa Pilipinas para labanan ang lumalagong kahirapan sa bansa.

Ayong kay Zambales Rep.Milagros Magsaysay, na sana ay marinig nitong mag focus sa Ekonomiya, Job Generation at sa allevation of Poverty thru Education.

Ganito rin ang nais marinig nina Ang Kasangga Party List Rep. Teodorico Haresco at Western Samar Rep. Mel Senen na nagnanais maitaas ang tiwala ng publiko sa administrasyong Aquino sa pamamagitan ng SONA.

"President Noynoy Aquino should ride on the crest of the people's new found trust in the government to spell out his leadership;s action and programs that would further strengthen their confidence in themselves as a people." giit pa ni Haresco.

Ayon naman kay Aurora Rep. Juan Edgardo "Sonny" Angara, gusto nitong marining mula sa SONA ang magandang balita para sa sektor ng edukasyon lalo na sa binalita ni Department of Budget and Management Sec. Florencio Abad na dagdag na mga pondo para sa mga state colleges sa bansa.

Ano man ang ihain ni Pangulong Aquino sa kanyang nalalapit na SONA ay dapat nating pagtulungang mga pilipino. Tandaan natin na hindi lamang ang Gobyerno ang makakasolusyon sa ating mga problema.

Mayroon din tayong papel na dapat gampanan upang matupad ang mga ito, gobyerno lamang ang gumagawa ng mga solusyon ngutit nasa tao pa rin ang tyansa kung magiging successful ang mga planong ito.

Abangan na lamang natin ang SONA ng Pangulong Noynoy at umasa tayo sa mga mas makabuluhang reporma sa iba't ibang sangay ng ating gobyerno.


0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

 
Design by Wordpress Theme | Bloggerized by Free Blogger Templates | coupon codes