Thursday, June 7, 2012

Weather Update: June 7, 2012

Tropical Cyclone Update

As of today, There is no tropical cyclone existing within the Philippine Area of Responsibility (PAR). 


Issued At: 5:00 p.m., 07 June 2012
Valid Beginning: 5:00 p.m. today until 5:00 p.m. tomorrow


Ang Kalakhang Maynila ay makararanas ng madalas na maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog. Katamtaman hanggang sa malakas na hangin mula sa timog-kanluran ang iiral at ang Look ng maynila ay magiging katamtaman hanggang sa maalon. Ang tinatayang agwat ng temperatura ay mula 25 hanggang 32 antas ng celsius (77°F hanggang 90°F).

Ang buong bansa ay makakaranas ng madalas na maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog na magiging maulap na may malawakang pag-ulan sa Mindoro at Palawan na maaring magdulot ng pagbaha at pagguho ng lupa.

Katamtaman hanggang sa malakas na hangin mula sa timog-kanluran ang iiral sa Luzon at Kabisayaan at magmumula naman sa timog hanggang sa timog-kanluran sa Mindanao. Ang mga baybaying dagat sa buong kapuluan ay magiging katamtaman hanggang sa maalon.



0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

 
Design by Wordpress Theme | Bloggerized by Free Blogger Templates | coupon codes