Thursday, June 14, 2012

Series Itinabla ng Miami Heat
















Itinabla ng Miami Heat ang kanilang serye laban sa Oklahoma City Thunder para sa 2012 NBA Finals ngayong araw.

Natapos ang laban sa iskor na 100 -  96 pabor sa Miami Heat. Lumaki ang lamang ng Heat ng hanggang 17 na lamang hanggang sa maibaba ito ng Thunder hanggang 2 patungong ending.

Ngunit sumablay si Durant sa kanyang tira upang itabla ang score sana sa 98, ngunit sa halip ay napilitang i-foul si James ang kumunekta ng 2 free throw para tapusin ang laban at wag ng bigyan ng tsansa pa ang OKC.

Umiskor si 3 Time MVP LeBron James ng 32 points, Wade ng 24 points at Bosh ng 16 na may 15 rebounds para sa total ng Big 3 na 72 points laban sa 80 points nila Durant, Westbrook at Harden.

Tabla ang serye 1-1, maghaharap muli ang Heat at ang Thunder sa susunod sa Lunes (araw sa pilipinas). Umaasa ang Miami Heat sa kanilang momentum ng pagkapanalo ngayong game 2 at nawa'y maidala nila sa game 3.



0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

 
Design by Wordpress Theme | Bloggerized by Free Blogger Templates | coupon codes