Thursday, June 14, 2012

News Flash: M/V Josille II lumubog sa El Nido Palawan

Lumubog ang M/V Josille II sa lugar ng Pagawanin Island ng Palawan sa gitna ng sama ng panahon dulot na rin ni bagyong "Butchoy".

Napaulat na galing itong Liminangcong na nag stop over sa El Nido Palawan na papunta sanang Manila. Sa naturang report galing sa NDRRMC, mayroon itong kabuuang 46 na sakay na katao, 34 sa mga ito ang pasahero at 12 ang crew members.

Sa mga na-iulat na mga nasawi, kabilang sa mga ito ay sina;

Estarija, Jessa Mae - passenger
Clariza, Pamela Anne - passenger
Huyo, Nita - passenger
Severino, Eliseo - crew
Atienza, John Aldrin - crew
Nora Cortez
Juanito Tito


Sina Nora Cortez at Juanito Tito ay hindi kasama sa opisyal na mga pasahero ng M/V Josille II. Samatalang hanggang sa ngayon ay may 3 pang nai-ulat na nawawala at patuloy pa rin ang search and rescue ng Philippine Coast Guard sa lugar.


 


0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

 
Design by Wordpress Theme | Bloggerized by Free Blogger Templates | coupon codes