Friday, June 22, 2012

Miami Heat Kampeon sa 2011-2012 NBA Season
















Tinapos na ng Miami Heat ang serye ng NBA Finals kahapon sa kanilang home court. Hindi na pinagbigyan pang makahabol at bumalik ang series sa home court ng OKC Thunder.

Alam ng big 3 ang kartada ng Western Conference Champion na OKC Thunder kung kaya't hindi na nila ito nilingon sa simula pa lamang ng laban ng game 5.

Sa unang pagkakataon sa loob ng taltong taon ay nakalasap ng apat na sunod na pagkatalo ang Thunder. At dahil dyan ang muling nanariwa ang mga haka haka na hindi pa hinog ang koponan ni Coach Scott Brooks.

"When you play against the best, you learn." isang maikling pahayag ni Brooks.

Sa huling 4:44 minuto ng laro ay pinaupo na sina Kevin Durant at Rusell Westbrook dahilan upang umalingawngaw ang hiyawan ng mga fans ng Miami Heat.

"We made it to the finals, which was cool for us, but we didn't want to just make it there. It's tough man, But as a whole, I'm proud of the guys on how we fought all season." pahayag ni Durant.

Natapos ang laro 121 - 106.


0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

 
Design by Wordpress Theme | Bloggerized by Free Blogger Templates | coupon codes