Tuesday, June 19, 2012

Isa na lang para sa Heat
















Tinapos ng Miami Heat ang Game 4 sa kanilang home court para sa score na 104 - 98. Umiskor si LeBron James ng 26 points at tig 25 points naman si Wade at ang game 4 hero na si Mario Chalmers.

Umiskor si Mario Chalmers ng huling walong (8) puntos para sa Miami Heat sa huling 44 na segundo sa laro dahilan upang makaungos ang Heat 3-1 sa kanilang best of seven championship game.

Sa kabilang banda tanging si Russell Westbrook lamang ang mainit hanggang sa dulo ng laban na bumuslo ng 20 out of 32 shots para kumuletkta ng 43 points para pangunahan ang scoring.

Si Durant ay umiskor lamang ng 28 points para sa malamyang 9 out of 19 shots sa buong game. Dalawa lamang ang double digits para sa Oklahoma at napako ang ibang players nito na mas mababa sa sampu ang puntos.

Inaasahang tatapusin na ng Big 3 ang series ng NBA Finals sa Biyernes (araw sa pilipinas) sa kanilang home court at mas nanaising wag ng pagbigyan pang muli ang Oklahoma Thunder.




0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

 
Design by Wordpress Theme | Bloggerized by Free Blogger Templates | coupon codes