Tuesday, June 19, 2012

Forbes Top 10 Highest Paid Athletes
















Naglabas ang Forbes ng Top 100 Highest paid athletes ngayong taon. Sa halos isang dekadang pamamayagpag sa no.1 ay bumaba sa listahan si Tiger Woods.

Sumipa sa listahan para sa number 1 ang "money maker" ng boxing na si Floyd Mayweather Jr. Sa laban niya noong Setyembre kay Victor Ortiz at kay Miguel Cotto noong Mayo ay kumita ang boksingero ng $85 million.

Sumunod naman sa listahang ito si Manny Pacquiao na kumita ng $62 million sa loob ng isang taon para sa laban niya kay Juan Manuel Marquez at Tim Bradley Jr.

Samantalang si Tiger Woods ay bumaba sa ikatlong puwesto sa kinita nitong $59.4 million. Habang nag top seed naman si LeBron James sa labin tatlong highest paid sa NBA sa kitang $53 million.

Pumang-lima si Roger Federer $52.7 million, Pang-anim si Kobe Bryant na may kitang $52.3 million, pang pito si Phil Mickelson na may $47.8 million, pang walo si David Beckham na may $46 million, si Cristiano Ronaldo na may $42.5 million sa pang siyam na puwesto at pang sampu si Peyton Manning sa kitang $42.4 million.

Para sa kumpletong listahan pumunta lamang dito.





0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

 
Design by Wordpress Theme | Bloggerized by Free Blogger Templates | coupon codes