Thursday, June 7, 2012

Celtics sasama na rin ba sa Thunder para sa 2012 NBA Finals?
















Maraming nagsasabing unti unti nang nalalaos ang Boston Celtics. Matapos pumang-apat lamang sa Eastern Conference ngayong taon.

Unang tinalo ng Celtics sa play offs ang Altanta 4-2, kasunod ang game 7 victory laban sa 8 seeded na Philadelphia 76ers 4-3. At ngayong Easter Conference Finals ay kinakaharap ang top seeded and powerhouse team na Miami Heat.

At matapos ang game 5 sa home court ng Heat ay abot kamay na rin nila ang minimithing Eastern Conference Champion.

Tumapos si Garnet ng 26 point at 11 rebounds habang may 19 points naman si Paul Pierce na nagbuslo ng mahalagang 3 pointer para itakas ang 94-90 win.

"We've done nothing. We're playing a heck of a basketball team. So just were going to Boston, I told them we have to play. They're not going to give it to us. We have to go get it." sabi ni coach Doc Rivers.

Sa pagtatapos ng Western Conference kanina ay tinalo rin ng Oklahoma Thunder ang San Antonio Spurs sa game 6 ng laban sa home court ng OKC.

Matatandaang ganito rin ang nagiging istorya sa Boston at Miami na unang nakadalawang sunod na panalo at pagkatapos ay apat na sunod naman ang ginawang panalo.

Maaring tapusin ng Boston Celtics ang laban sa game 6 sa huwebes (biyernes sa pilipinas) at samahan ang OKC sa NBA Finals.




1 comments:

titus said...

Sana manalo pa ang Heat... mas maganda manuod pag Game 7. Congrats sa OKC!!!!

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

 
Design by Wordpress Theme | Bloggerized by Free Blogger Templates | coupon codes