Thursday, June 7, 2012

Ariza pasok pa rin sa Team Pacquiao kontra kay Bradley

Sa pagkakaroon ng gusot kina trainer Freedie Roach at strength and conditioning coach Alex Ariza ay lumabas ang mga balitang hindi na makakasama si Ariza sa mga susunod na laban ni Manny Pacquiao.

Umugong ang balitang nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang dalawa kung kaya't hindi na makakasama si Ariza sa laban ni Manny kay Bradley.

Ngunit ito ang kinumpirma ni Roach matapos nitong pumayag na muling isama si Ariza sa Team Pacquiao sa laban nito para sa pagdedepensa sa linggo (June 10, 2012 araw sa pilipinas).

"No, I had talked with Manny last night and we wroked it out." sabi ni Roach.

Nagsimula ang di pagkakaunawaan ng dalawa ng iwanan ni Ariza si Manny sa kainitan ng three-week, high altitude training nito sa Baguio City.

Makakasama ni Ariza sa corner ni Pacquiao si veteran cutman Miguel Diaz.

"We put Alex and Miguel Diaz together. Everyone understands what their jobs are, so he'll be in the corner but he will not be the cutman." dagdag pa ni Roach.

Inaasahang magiging kakaibang Manny Pacquiao ang tutungtong sa ring sa laban niya kay Bradley. Ito ay para mapatunayan na karapat dapat pa rin siya sa titulong "pound for pound king" at maidepensa ang titulo.





0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

 
Design by Wordpress Theme | Bloggerized by Free Blogger Templates | coupon codes