Sunday, May 27, 2012

The Reunion: An Eraserheads Tribute Album
















Kalulunsad pa lamang ng Star Records ng album tribute nito para sa iconic Filipino pop rock band na Eraserheads sa title nitong "The Reunion: An Eraserheads Tribute Album" at humahataw na sa mga record bars ngayon.

"Hindi lang kasi ito basta basta album, tribute ito para sa isang bandang napakalaki ng ng naiambag para sa Philippine music at sa mismong kultura nating mga pinoy." sambit ni Darwin Hernandez na co-producer ng Star Records.

Tampok sa The Reunion: An Eraserheads Tribute Album ang 14 na natatanging kanta ng Eraseheads na hindi malilimutan. Carrier single nito ang kantang Minsan na inawit ng bandang Callalily.

Ilang pa sa mga kantang kasunod ay ang Alapaap na inawit ng 6Cyclemind kasama si Eunice ng Grace Note, Overdrive ni Vin Dancel, Fine Time ni Marc Abaya ng Kjwan, Super Proxy ng Razorback kasama si Gloc 9, Kailan ni Ney Dimaculangan at Yeng Constantino, Kaliwete ng Hilera, Maling Akala ng Ichyworms, Ligaya ng Mayonnaise, Pare ko ni Johnoy Danao, Ang huling El Bimbo ni Jay Durias, Magasin ng Chicosci, With a smile ni Aiza Seguerra kasama si Mike Villegas at Hey Jay ng Tanya Markova.

Ang orihinal na miyembro ng Eraseheads ay sina Ely Buendia, Raimund Marasigan, Buddy Zabala at Marcus Adoro.







0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

 
Design by Wordpress Theme | Bloggerized by Free Blogger Templates | coupon codes