Tuesday, May 29, 2012

News Flash: Sunog sa Barangay Singkamas Makati

Isang sunog sa lungsod ng Makati ang sumiklab kaninang umaga dakong alas singko ng umaga (5am) sa F. Nazario st. Barangay Singkamas Makati.

Apat ang nakumpirmang patay sa nagyaring sunog, (3) tatlo ang natagpuang patay sa pinangyarihan ng sunog at ang (1) isa naman ay lalaking itinakbo sa ospital na namatay (dead on arrival) sa di pa matukoy na dahilan.

Tumagal ng halos dalawa't kalahating oras ang sunog na umabot sa task force charlie ang alarma.

Sa dakong alas syete trenta y singko (7:33am) ng ideklarang fire out ng mga bumbero ang lugar at tinatayang umabot sa 150-200 pamilya o 750 mga katao ang apektado.

Tuloy pa rin ang imbestigasyon kung saan at ano ang pinagsimulan ng sunog. 





0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

 
Design by Wordpress Theme | Bloggerized by Free Blogger Templates | coupon codes