Thursday, May 24, 2012

Jessica Sanchez pararangalan sa Kamara at Senado

Isang resolusyon ang inihain kahapon sa Senado at Kamara na naglalayong kilalanin ang ipinakitang galing ni Jessica Sanchez na naging runner up sa Season 11 American Idol.

Ang resolusyon ay inihain ni Sen. Manny Villar bilang Resolution No. 776 upang magbigay ng isang malaking karangalan kay Jessica.

Ipinagmalaki pa nitong magkakabayan si Jessica at ang kanyang ina na si Nanay Curing na tubong Samal Bataan.

Ayon pa sa resolusyon ni Villar, hindi lamang sa American Idol ito maipagmamalaki dahil noong 11 taong gulang pa lamang ito ay sumali na ito sa America's Got Talent na isa ring singing reality show.

"Her's is a great achievement" sabi ni Speaker Belmonte na nangako at nagsabing aaprubahan ito. 

Samantala nakabinbin ngayon sa Kamara ang House Resolution 2425 na inihain ni Bataan Rep. Herminia Roman na naglalayong bigyan ng parangal sa Karama si Sanchez.





0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

 
Design by Wordpress Theme | Bloggerized by Free Blogger Templates | coupon codes