Monday, May 21, 2012

Iwas trangkaso ngayong tag-ulan

















Pangkaraniwang nagkakasakit ang bawat tao ng flu o trangkaso sa tagalog. Sintomas nito ang pagkakaroon ng 3 araw na lagnat, sipon, sakit ng ulo at katawan at pagkawala ng ganang kumain.

Sa mga nakakaranas ng mga ito, ang mga pangunahing ginagawa ng bawat isa ay pag-inom ng gamot (paracetamol), pagkain ng mga prutas at pagpapahinga.

Sa ibang tao na kumukunsulta sa doctor at espesyalista ay pinapayuhan ang iba na magpa-inject ng flu vaccine na nagkakahalaga ng P500-P1,500. 

Sa sobrang takot nilang magkaroon ng flu ay handa silang magbayad huwag lamng silang maabala ng sakit na ito. Ngunit sino-sino ba ang kailangan ng flu vaccine?

Narito ang mga sumusunod;

1. Ang mga taong 50 edad pataas
2. Mga taong may matindi at matagalang sakit tulad ng Emphysema, mahina ang puso, may kanser, may AIDS at may kidney failure.
3. Ang mga doktor, nars, at caregivers na tumitingin sa maraming pasyente.
4. Mga buntis

Hindi ibig sabihin na kapag nakapagpabakuna na kayo ay di na kayo magkakasakit o mahahawa sa trangkaso. Nagbibigay lamang ito ng proteksyon sa mga iilang virus na nakasama sa flu vaccine na iyon. Dahil dito, dapat pa rin kayong umiwas at mag-ingat na mahawa sa ibang tao.

Ang mga sumusunod ang mga kailangang gawin upang makaiwas sa flu;

1. Kumain ng masusustansyang pagkain tulad ng prutas, gulay at isda.
2. Matulog ng 8 oras at magpahinga ng madalas.
3. Mag-ehersisyo ng katamtaman lang. Huwag magpagod ng sobra.
4. Umiwas sa stress at puyat.
5. Kung kayang umiwas sa lugar na may maraming tao tulad ng sinehan, mall at kulob na simbahan.
6. Pwedeng uminom ng isang multi-vitamins araw araw generic man o hindi ay pwede na.

Iwas trangkaso ngayong tag-ulan, pinaka-mainam pa rin ang pagpapahinga at hindi pagsagad sa kakayahan ng katawan.


0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

 
Design by Wordpress Theme | Bloggerized by Free Blogger Templates | coupon codes