Tuesday, May 8, 2012

Erwin Tulfo nag-Sorry sa mga nasabi laban kay Raymart Santiago
















Humingi ng paumanhin si Erwin Tulfo kanina sa kanyang programang Punto Asintado at co-host si Martin Andanar sa AksyonTV at naririnig sa Radyo Singko 92.3.


Sinabi ni Erwin: 

“Kung kayo ho ay... kung hindi ninyo nagustuhan, kahit hindi kayo kasama sa problemang ito, ang amin pong paumanhin. “Maging ang aming ina ay hindi nagustuhan dahil ito raw ay pagbabanta.

“Ang sagot ho namin sa aming ina, ito ay bugso ng damdamin. Inilabas lamang ho namin yung aming sama ng loob.

“Nevertheless, hindi pa rin karapat-dapat bilang isang broadcaster. “Kami ho ay humihingi ng paumanhin sa aming mga tagapakinig, sa mga nasaktan po, sa mga natakot.

“Kami ho ay humihingi ng paumanhin—lalo na po yung mga nanood kahapon,”.

Dagdag pa, “Anyway, ‘ika nga, e, nasa korte na ang problema na 'yan at isa pa, e, naiparating na namin ang mensahe kaya... “Ang inyo pong pang-unawa at paumanhin sa mga salitang binitiwan namin kahapon dahil hindi naman po ito tinatangkilik ng aming istasyon, ng TV5 Network, sampu ng management.”

“Mula po sa may-ari, sa pangulo, lahat ng mga opisyales ng TV5 ay hindi po sinasang-ayunan ang mga ganoong klase ng matatalas na pananalita kaya po kayo na ang umintindi.

“Kami po ay humihingi ng kapatawaran, sampu ng aking mga kapatid.”


Sa kabila ng mga nangyari tuloy pa rin ang kaso ng magkabilang panig. Hayaan na lamang natin ang korte ang humusga at lumabas kung sino ang nagsasabi ng totoo.

Mananig pa rin ang katotohanan. Saludo pa rin kami sa pagpapakita ng pagiging maginoo ng mga Tulfo.

0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

 
Design by Wordpress Theme | Bloggerized by Free Blogger Templates | coupon codes