Tuesday, May 29, 2012

CJ Corona Napatalsik sa puwesto bilang Chief Justice ng bansa

Nagsimula ang Impeachment Trial court noong January 16, 2012, at ngayong araw ay hinatulan na ito ng mga Senator.

Sa botong 20-3 pabor sa conviction at sa prosecution ay tuluyan ng napatalsik si Chief Justice Renato Corona sa kanyang puwesto bilang punong mahistrado ng Korte Suprema.

Bomoto sina Sen. Arroyo, Sen. Defensor-Santiago at Sen. Marcos lamang sa kabuuang 23 senador ang bumoto para ma-acquit si CJ Corona.

Ang pagboto ay ayon sa pagkakasunod-sunod;

Sen. Angara - Conviction
Sen. Arroyo - Acquittal
Sen. A, Cayetano - Conviction
Sen. P. Cayetano - Conviction
Se. Defensor-Santiago - Acquittal
Sen. Drilon - Conviction
Sen. Escudero - Conviction
Sen. Estrada - Conviction
Sen. Honasan - Conviction
Sen. Lacson - Conviction
Sen. Lapid - Conviction
Sen. Legarda - Conviction
Sen. Marcos - Acquittal
Sen. Osmena - Conviction
Sen. Pangilinan - Conviction
Sen. Pimentel -Conviction
Se. Recto - Conviction
Sen. Revilla - Conviction
Sen. Sotto - Conviction
Sen. Trillanes - Conviction
Sen. Villar - Conviction
Sen. Pres. Enrile - Conviction

"Bakit ang mahirap pag nahuling nagnanakaw ay sinasabihang sa presinto magpaliwanag?" Marami nagsasabing mag-abstain ako, pero If you're client cannot explain, I will not abstain." isa sa mga paliwanag ni Sen. Allan Cayetano sa kanyang pagpapaliwanag.

"Huwag na tayong magbasa ng konstitusyon kung iba iba tayo ng interpretasyon." mariing sabi ni Sen. Defensor-Santiago sa kanyang pagtatalumpati.

Si CJ Corona ang kauna unahang Chief Justice sa kasaysayan na sumailalim sa Impeachment Trial at napatalsik sa puwesto.

Mayroon lamang 90 araw ang palasyo para pumili ng susunod na Chief Justice ng bansa.


0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

 
Design by Wordpress Theme | Bloggerized by Free Blogger Templates | coupon codes