Sunday, May 27, 2012

Anim (6) pang kompanya ng langis nag-ROLLBACK


Sumunod pa ang anim na kompanya sa pag-rorollback ng produktong petrolyo ng langis ngayong umaga makaraang pangunahan ng Petron Corporation.

Kabilang sa nagtapyas ang (2) dalawa pang miyembro ng big 3 na Pilipinas Shell at Chevron Corporation, kasama rin ang mga independent players na PT&T, Seaoil, Phoenix Petroleum at Total Philippines.

Alas dose uno ng hating gabi ng magbawas ang Shell, Chevron, Seaoil at PT&T ng P.35 sentimos ng bawat litro ng diesel at kerosene, P.45 sentimos sa bawat litro ng premium at unleaded gasoline, P.90 sentimos sa bawat litro ng regular gasoline. 

Sumunod na nagrollback ang dalawang pang kumpanya na Phoenix Petroleum at Total kaninang alas sais ng umaga.

Ang pagrollback ay bunga ng pagbaba ng produktong petrolyo sa pandaigdigang kalakalan.



0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

 
Design by Wordpress Theme | Bloggerized by Free Blogger Templates | coupon codes