Thursday, May 17, 2012

American Idol 11 Season Finale Performances

















At 3 finalists na sila Joshua, Phillip at Jessica ay magpeperform ng tatlong beses para sa kanilang pinale. Ang una ay kanta na pinili ng mga hurado para sa kanila, ang ikalawa ay ang kanilang sariling pili at ang huli ay galing sa kanilang chosen mentor na si Jimmy Iovine.

Unang kumanta si Joshua ng "I'd rather go blind" na nagstanding ovation din ang mga manunuod. Ikalawa si Jessica na kinanta ang "My All" ni Mariah Carey at pinakahuli si Phillip Phillips sa kantang "Beggin".

"I love the song. I love Mariah Carey". Sambit ni Jessica Sanchez matapos kumanta.

Sa ikalawang round ay una pa ring kumanta si Joshua Ledet sa kanyang piniling kantang "Imagine". "[You're] very special... I really love watching you." komento ni Jennfer Lopez.

Si Jessica naman ay kinanta ang Steven Tyler song na "I don't wanna miss a thing" na ikinatayo ni Steven Tyler na orihinal na kumanta. "You just took a great song and made it greater." komento naman ni Steven.

Si Phillip naman ay kinanta ang kantang "Disease" by Matchbox Twenty. "It was just such a subdued moment from you... I wanted a bigger look from you now." komentong muli ni Randy.

Sa ikatlong round ay kinanta ni Joshua ang Mary J. Blige's hit na "No More Drama" at komento naman ni Steven na "I watched you and I felt the last 40 years of the music business."

SI Jessica naman ay kumanta ng Jackson 5 hit na "I'll Be There". Nagkomento si Judge Randy at sinabing "I liked it OK, I didn't love it... We're at the end here.. [There] was never a moment, moment. It needed like a moment, moment, moment."

Si Phillip naman ay kinanta ang "Why Don't You Stay" at muling nagkomento si Randy ng "The perfect song at the perfect time and your best performance on the show ever."
 
Abangan natin kung sino ang tatanghaling American Idol Season 11.

 


0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

 
Design by Wordpress Theme | Bloggerized by Free Blogger Templates | coupon codes