Monday, May 21, 2012

Airlines isasama na ang terminal fee sa tickets
















Magiging mabilis na ang proseso ng pagbiyahe ng mga byahero sa mga paliparan ng ating bansa matapos ma-isapormalisa ng Department of Transportation and Communication (DOTC) sa mga pangunahing airline companies na isama na ang terminal fee sa kabuuan ng babayaran sa isang airline ticket.

Ito ay matapos pumirma na sa Memorandum of Agreement (MOA) sina DOTC Secretary Mar Roxas, mga opisyal ng Manila International Airport Authority (MIAA) at mga opisyal ng mga airline companies. 

Kabilang sa mga ito sina Air Philippines President Inigo Zobel, Cebu Air, Inc. President Lance Gokongwei, Philippine Airlines President Ramon Ang, Seair Inc. President Avelino Zapanta, Sky Pasada President Ramon Guico III, at Zest Air President Alfredo Yao.

Sa paglatag ng panibagong modernisasyaong ito, asahan na na mas mababawasan ng isang linya ang pila at magiging mabilis na ang proseso ng mga pasahero.

Ang panukalang ito ay magsisimulang maging epektibo simula Agosto 1, 2012.

Nagpasalamat naman ng marami ang DOTC Secretary Mar Roxas sa pakikiisa ng mga airline companies upang mas maging maayos at mabilis ang pagbyahe ng bawat mamayan.


0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

 
Design by Wordpress Theme | Bloggerized by Free Blogger Templates | coupon codes