Monday, December 12, 2011

Ms. Singrid Andrea P. Bernardo's Chickboy Scandal
















Saw the picture above? This photo came from Ms. Sigrid Andrea P. Bernardo who uploaded these pictures on Facebook after she almost ate the giant caterpillar found on her ordered meal "Ginisang Kangkong sa Bawang."  

It happened last November 21, 2011 around 3:54 - 4:00pm at Chickboy Timog Branch.

Here is her complete story of things happened that day;


A Break-Up letter from an Upset customer

Dearest ChickBoy,


I've been a biggest fan of you. I love your chicks, I love your boys. I love your chicken and i love your baboys, I even love your nilasing na hipon and your sinigang sa miso na salmon. I chose to have an affair with you because you seemed to have a cool place plus the staff seems to be nice and definitely you've got good food! You were my trophy then. I tried to brag you around my friends.I can see how they envy me whenever i am with you.

Pero ngayon ko lang nakilala ang totoong CHICKBOY. Kung sino ka, at kung pano mo ko tratuhin. Dalawang linggo na ang nakakalaipas mula ng pinakain mo ako ng ginisang kangkong na may pagka-laki laking bulate o caterpilar o kung ano man yun.

Gusto ko lang ipaalala sayo kung ano ang mga pangyayari nun, nung hindi mo ko hinarap. Matapos kong umorder pati ang kasama ko ng dalawang lechong liempo,isang regular ice tea, at isang botomless,pati na ang bago niyong labas na salmon sashimi at siyempre pa,hindi mawawala ang pagkasarap sarap na ginisang kangkong. Ang total bill namin ay 358php...Sa pagkakaalam ko yung lang ang inorder ko at hindi kasama ang bulate.

Nagyon habang ngasab ako ng ngasab sa aming kinakain, napansin ng kasama ko na oily yung kangkong. sabi ko "Masarap nga yun, oily". nung tinikman ko, ok naman, para lang may petroleum gelly ka lang na kinakain with kangkong, pero ok lang. kumain pa rin kami, may natira pang konti sa kangkong sabi ko ako nalang uubos sayang. Tapos Bigla nalang may sumulpot na mahaba at mataba na nilalang sa kangkong. sabi ko "Ano to?", sabi ng kasama ko "Ay, baka talong". Natawa pa ko, sabi ko "Ang galing may libreng talong!" Sinubukan kong hiwain ito sa pamamagitan ng tinidor, pero ang kunat nito. hanggang sa itinihaya ko ito. At sa pagtihaya ng nilalang, tumambad sa akin ang kanyang mga paa at pati ang mukha nito na parang nagsasabing " Alam mo this time pwede kang magreklamo, tutal nasipsip mo na buong pagka bulate ko, at isa pa obvious naman na ang laki ko".

Alam mo Chickboy hindi naman ako mahirap ka relasyon, sa totoo lang hindi ko alam kung malas lang ako sa mga ganitong bagay, kasi dati sa ibang kainan, may ipis na maliit na kasama sa pagkain ko, langaw, uod na maliit.. Pero ito naman, sobra naman sa laki na imposibleng hindi mo makita! So, siyempre sa hitsura pa lang siguro naman ok lang na mag complain ako no? pati nga mga waiters niyo nagulat sa sobrang laki, yung iba nga kinuhaan pa ng picture. Tapos yung supervisor niyong hindi ko itatago ang pangalan na si Glaiza, namutla talaga, tumawag kagad sa Management. halos ayaw na kong harapin. ang sabi lang niya sa akin. "Mam, paltan nalang ho namin yung kangkong" what??? Sa tingin mo ba kakain pa ko ng mga pagkain niyo pagkatapos ng lahat? na nasipsip ko na ang buong pagkabulate ng nilalang sa kangkong ko?. Kumalma naman ako, pero yun pa rin ang sinabi ko. sabi niya "Ma'm ano ho bang gusto niyo?".

Strike 2!

siyempre sinagot ko "Ang gusto kong malaman kung bakit may malaking bulate sa kangkong ko at hindi niyo nakita!". Lalong namutla yung Glaiza at sabi "Mam babayaran nalang po namin lahat ng kinain niyo". Mainit pa ang ulo ko, pero tumango nalang ako. Pero binawi ko rin ito after awhile, mga limang minuto, kasi gusto ko nalang i take out ang kangkong na may bulate. Malapit ko na sanang palampasin ng dumating ang magiting niyong head waiter na di ko na alam ang pangalan.

Sabi ko kasi kay Glaiza, i take out ko yung kangkong na may bulate.E ayun na nga, etong si head waiter sumabat na ang sabi "Mam, wait lang ho, kasi nirereview ho pa namin yung sa cameras, kasi may mga naka-install na cameras dito eh"

Strike 3!

Ah ganon, hindi ako tanga, at alam ko kung ano ang gusto mong sabihin pwes inunahan ko na. sabi ko "Mabuti pa i review niyo ng malaman niyo kung sino naglagay ng malaking bulate sa kangkong ko! at makita niyo rin kung gaano ako sumuka pagkakain ko ng kangkong niyo!, akin na, akin na ang tinake out kong kangkong na may bulate!" aba strike 4 humirit pa ang waiter na ito at sinabing "Naku, mam pag ho binayaran na kayo hindi niyo na ho makukuha yung kangkong."

Strike 4!

Aba, ako pa pala ang mukang pera. eto ang sabi ko "Kuya, di ka ba nakikinig? sinabi ko na kanina pa kay Glaiza, na di na ko magpapabayad ng kinain namin ang gusto ko lang yung kangkong na may bulate! ngayon, ibigay mo sa akin yung kangkong ko kasi binayaran ko yon!kaya akin na ang kangkong na may bulate!" hindi na nakaimik pa si kuya at ang lahat. edi nataranta kayo ngayon. May meeting ako nung hapon ding iyo at kailangan ko ng umalis. Sabi ko" Excuse me, may meeting pa ako babalik ako mamayang gabi, at mamayang gabi ibigay niyo na sa akin ang kangkong na may bulate at ipakausap niyo nalang sa akin may ari nito para hindi na kayo ma mroblema" . Sa totoo lang naawa pa ko, dahil mga tauhan lang sila at hindi nila alam kung anong gagawin sa mga ganitong sitwasyon.

So bumalik nga ko kinagabihan.. Pinaharap niyo sa akin yung isa niyo pang supervisor o pang gabi, sabi niya tinapon na raw yung kangkong na may bulate, pero tinawag ko yung Glaiza. Sabi niya "Ay mam hindi pa ho namin tinatapon", ano ba yan sobrang halatang nagsisinungaling kayong dalawa.. So si supervisor or manager na pang gabi, inexplain sa akin kung ano ang proseso niyo ng pagluluto ng kangkong. Sabi ko, nasa proseso ba ng pagluluto ang paghuhugas ng gulay?. You're not getting my point. Since wala kayong maisagot, nilagay niyo ko sa isang tabi tapos bumalik kayo kasa ang isang food checker at dalawang pulis.

Akala ko yung pulis, yung kami ang nagpadala, since na reklamo na namin sa kamias station na wala rin naman palang nagawa. Ngayon, ang akala ng mga pulis na ito masisindak niyo ko, well well well nagkamali ka..dahil sa pagkakataong ito ako ang tama at ako ang complainant! at sasabihin pa sa akin ng mga pulis na ito na, ang mali ng isa ay hindi mali ng lahat…ang point dito may sinabi ba akong ganun? ang point dito bakit may bulate sa kangkong ko!
tapos hihiritan pa ako, na may food checker kayo, na one year na kayong operational. Tinanong ko siya kung siya ang manager, hindi ko na hinintay kung tumango man siya o hindi. sabi ko

" Pwes ang pangit ng management niyo! Alam niyo, kung kayo takang taka kung bakit may bulate sa kangkong ko, mas lalo na ako!Dahil NASIPSIP KO LANG NAMAN ANG BUONG PAGKABULATE NIYA. Ngayon, kung iniisip niyo na ako ang naglagay ng nilalang diyan, sana man lang hindi ko ginisa sa kakainin kong kangkong at lasap na lasap ko ang laman ng bulateng yan! ngayon, kung ayaw ibigay sa akin ang kangkong kong may bulate, kumuha kayo ng limang bulate at sipsipin niyo sa harap ko ok na ko! hindi niyo na kailangang kainin yung balat tutal yung laman lang naman nakain ko!"

Ayun, natahimik kayo..nag alisan na sila,medyo natawa pa nga sa monologue ko. Tapos in the end after more than 30 min of waiting. nag reklamo na ako at kailangan kong umalis. Yung mga pulis, niyaya ako sa loob ng room. Pumunta naman ako at sinundan ako ng kasama ko.

At tong mga pulis nato ang unang tanong.."Ano ho ba ang gusto niyo?" pwes sinagot ko siya " kuya, paulit ulit? pa-ulit ulit? ikaw ang sumagot ng tanong mo! ang gusto ko yung kangkong na may bulate"! tapos natahimik siya, sinabi niya na mam, kasi medyo napataas ang boses niyo dun sa labas.

Nilaksan ko ang boses ko na pang main theater ng ccp..sabi ko," Ako pa ngayon ang may kasalanan!ako na nga nakakain ng bulateng pagkalakilaki! at isa pa, una sa lahat, bakit niyo kasi ako nilagay sa gitna ng mga customers niyo? at isa pa, bakit ikaw ang kausap ko? part owner ka ba ng chickboy?"ayun natahimik ang pulis patola.. sabi ng kasama ko. "bakit ba kampi kayo sa kanila eh kami ang complainant! at isa pa kaya gusto namin kunin yung kangkong na may bulate kasi gusto namin kayo ireklamo sa BFAD. bigyan lang ng leksiyon."

Sabi ko."alam niyo, kung kayo nag SORRY nalang hindi na siguro nangyari yung ganito!" papano, ang yayabang pa, napaka defensive kagad. hindi aminin ang mali! sabi ng pulis.."mam, di pa ho ba sila nagsorry?" sabi ko "hinde!!!inexplain niyo lang naman sa akin ang tungkol sa pagnenegosyo, kung papano dinedeliver ang mga gulay niyo at kung papano niyo pinapatakbo ang chickboy!!!"….

Anyway, bago pa makagawa ako ng gulo, pinakalma na ko ng kasama ko at aalis nalang kami…gusto ko lang sabihin sa'yo CHICKBOY na wag niyo kong lekturan sa pagnenegosyo mag seminar muna kayo ng TUNGKOL SA SANITATION, HOW TO DEAL WITH CUSTOMERS, AND HOW TO BE HUMBLE!

At sa tingin ko dapat rin kayo manood ng mga bagong episodes sa KNOWLEDGE CHANNEL UPANG MALAMAN NIYO KUNG PAPANO ANG TAMANG PAGNENEGOSYO AT MALAMAN ANG "BATUKTALI" sa pagnenegosyo! 10 episodes yun. Panoorin niyo LAHAT!


At ngayong pasko lalo na't maraming pamilya ang mag bonding sa labas at definitely kakain, sana Maging maiingat kayo sa mg pagkaing sineserve niyo. At kung mangyari muli yun, isipin niyo ang kung kayo ang nasa posisyon ng customer. Minsan naiisip ko, nung sa karinderya ako kumakain, wala pa akong na experience na ganito. Kung kelan sa mga mas mahal at mas established pa na restaurant, dun pa pumapalya!

At para sa yo CHICKBOY I'm ending this relationship! Gaya ni KC and Piolo, Ni Rhian at ni Mo twister I'm ending this relationship with a bang! Full of controversy.

Goodbye CHICKBOY may you rest in peace just like the poor HUMONGOUS CATERPILLAR WHICH COULD'VE BEEN A BEAUTIFUL MARIPOSA, ONLY IF I HADN'T EATEN IT.


P.S.

BTW, sent you some pics as a souvenier!!! Enjoy!!




Not yours anymore,


The Customer who ate Kangkong with BULATE



After I read this letter,  I saw another link in Facebook redirecting to the Chickboy's Fan Page answering Ms. Bernardo's allegations. 
Here is it;



THE COMPETITOR IS DESPERATE!!!

There are rumors going around Facebook that a caterpillar (or "bulate" as they call it) was found in our Ginisang Kangkong sa Bawang. If you are familiar with Chic-Boys ginisang kangkong sa bawang, our kangkong is cut into bits. HOW COME IN THE PHOTO THEY POSTED, THE CATERPILLAR IS WHOLE?


We are not surprised with this demolition job. We have only been in the market for a year and a half and we have grown to 64 opened stores and 48 under construction. Do you think the competition will just take us sitting down?


We are entrepreneurs who have good business ethics. We will build our name and business by giving our best to our customers and not destroy the name of our competitor for our gain. You be the judge!!!!

 

My conclusion:
I'm not in the position comment or say anything against Chickboy since I haven't experienced it. But I hope that I may not. I the case of Ms. Bernardo, I know what she feels cause if I'm in that case I'll react athe same way she does. I hope Chickboy Management talks to him personally and deal with it face to face. 

I'm not a Chickboy fanatic, but I guess this things must come to an end at once. 




13 comments:

Anonymous said...

If you are familiar with Chic-Boys ginisang kangkong sa bawang, our kangkong is cut into bits. HOW COME IN THE PHOTO THEY POSTED, THE CATERPILLAR IS WHOLE? -dito palang po sa statement nyo sablay na kayo... if ever na nakita nyo yung caterpillar habang niluluto nyo yung kangkong sa tingin nyo ba icucut nyo pa yun into pieces??????? duh!!!! malamang buo sya dahil hindi nga nakita or hindi nyo chineck!

Anonymous said...

I eat at chic-boy often. I try to at least once a month. I love their foods more than i love Mang Inasal's. I tried Kangong na ginisa s bawang several times. I wonder, judging from the picture that I see above and from how I recall Kangkong is served, the "Worm" is too big compared to how the Kangkong was sliced...imposible naman na hindi makita ng waiters yun or nung mismong nag prepare ng food.. unless bulag sya.. di ba? hindi naman siguro..and also, tama.. bakit buo yung bulate eh hiwa-hiwa nga yung mga gulay na kasama nya? anu yun, may buhay ang bulate at umiwas sya sa paghihiwa?

I love chic-boy. and despite this controversy, I still do. I believe on their food handling skills. even if this issue is true, i believe it is an isolated case, hindi naman lahat ng chicboy e ganyan. so this wont stop me from eating at chicboy! :D

Anonymous said...

Taga chickboy ka? hahaha... Kung ikaw ba nagluluto at naghihiwa ng gulay at nakita mo yung worm hihiwain mo din ba sya????? syempre una mong gagawin tatangalin mo sya diba? in this case ibig sabihin lang hindi nila nililinis ng mabuti yung ingredients nila kaya nakalusot yung worm... so ewwwwwy!

Anonymous said...

hmmm nakakagulat naman na sa isang article na nabasa ko marami ring nagcomment ng ganyan. Ayoko sanang mag comment sa post nyo kasi baka mali ang masabi ko. Pero sa mga nabasa ko parang nakapagisip-isip na din ako. Oo nga bakit nga buo pa ang uod? Ms biktima, bakit nga po hindi nagkakatugma ang kwento nyo sa hitsura ng uod? napag isip-isip ko din po na kaya hiningi nyo yung uod at ipinatake out eh kasi baka malamang hindi pa kasing luto ng kangkong ang uod. At sinabi nyo pa po na sinipsip nyo ang uod? sa pagrereklamo ebidensya po ang kailangan , bakit hindi nyo kinunan ang nasip sip nyong uod para malaman na nasipsip nyo nga. Sinearch ko na din po ang pangaalan nyo kasi sabi nung isang nag comment sa isang article na napost tungkol sa chickboy na sa film industry kayo at writer kayo . Siguro po kaya ganyan kaganda ang pagkasulat nyo at may halo pang comedy. Kaso hindi po kayo magaling na artista kasi po hindi nyo napagaralan ang mga linya nyo na isinulat kaya po hindi tumama sa picture. Ayoko po sanang magisip ng hindi sigurado pero baka nga po gusto nyo lang pabagsakin ang chick boy. Nabasa ko din po yung sabi nung kakilala nyo daw na hindi nyo sisirain ang pangalan nyo. Mam sorry po pero hindi ko po alam yung mga nagawa nyong pelikula yung bampirela lang po ang familiar sakin. Hindi po kaya ginagawa nyo yan para marinig ang Sigrid sa Internet? Sana po wag ganyang ang gawin g paraan para sumikat. Sorry po talaga pero yung po ang aking napansin. Marami po ang mga nasa showbiz ang nagbabago ang pagkatao at hindi mo na masabi kung sino ang nagsasabi ng totoo para lang sa tinatawg na tagumpay.

LhanLhan said...

The ADMIN: please comment here knowing your true identity and not an "anonymous" only.

pinaipie said...

yuck.. ang itim ng caterpillar.
lesson: wag kumain ng vegies sa mga fastfood. kahit sabihing nilublublob nila ang mga gulay sa antibac, ndi mamamatay ang ganyang katabang caterpillar sa antibac. sayang ndi nadala ni ms singrid sa bfad agad agad ang pagkaing ito para naturuan ng leksyon ang chickboy na yan. kadiri.

Anonymous said...

Ang weird nga, bakit chop chop ung gulay pero buo ung uod?

Apart from the uod, i guess bad manners lang talaga ung staff. Kulang sa training siguro.

Ang eng eng din kasi may mga pulis blah blah pa :(
Dapat kasi binigay nalang nila ung uod.

Pero tama nga. Depends on the branch. Baka budoy lang ung naglilinis ng gulay dun sa branch na nakainan mo teh.

Masarap parin sa chickboy.

Parang mcdo lang yan, may ipis sa spag etc. pero hindi nababalita. Di kasi nirereklamo ng customers o kaya ay malakas ang 'pagpapatahimik' nila.

I suggest teh na sabihin mo ung branch. Mas kapanipaniwala un kesa sa pag atake sa buong kompanya nila, samantalang di naman lahat ng branch e ganun...

Anonymous said...

"I suggest teh na sabihin mo ung branch. Mas kapanipaniwala un kesa sa pag atake sa buong kompanya nila, samantalang di naman lahat ng branch e ganun..."

I think nakalagay kung saang branch di po ba? "Timog Branch" bago mag simula ung mensahe.. :)

Anonymous said...

sa nag comment nung magaling na artista na na may pagkawriter pa natural lng naman hinin ung uod kasi ng irereklamo sa bfad diba kung di ka nga naman shunga eh ung ang tinatawag na proof of evidence!!

Anonymous said...

kumain na din ako sa chickboy timog... i think possible na mag karon ito tlga ng bulate o catterpillar.. sana my nag checheck kung gano kalinis ang lugar nila... we expererience kasi dun.. napaka walang kwenta ng mga staff nila.. once you ask them a favor they get deadma on you na... one thing look at some tables hndi agad nalilinis.. eto ang malala dinalhan kami ng soup with upos ng sigarilyo... wow how come mag kakaron ng ganun.. baka pati pag hugas eh hndi nila naayos... kasi we notice some customer ginagwang ash tray ang plato

Anonymous said...

ang gulay po na kangkong ng chickboy cut na po yan lahat at naka prepare na ilalagay na lang para lutuin, malamang yan yung lalagyan ng kangkong may nabubuhay na hehehe

alam nyo naman ang daming umoorder sa chickboy kaya di na rin minsan maiiwasan na di ma check ang pagkaing niluluto.

Ning Tolentino said...

My daughter had a very bad experience with Chickboy branch located at UN Avenue. Merong bangaw ang iced tea na serve sa kanila ng classmates niya. Grabe at dahil doon ay nagsuka ang anak ko dahil hindi niya napigilang na mandiri at hanggang sa makauwi sa dorm ay nagsuka pa rin. Ang masama pa ay sinabi sa kanila na dahil daw kasi sa environment. (Ganon na lang ba yon?) At papalitan na lang daw. Eh malamang yong bangaw ay andoon mismo sa ice tea nila kasi yong bangaw ay nasa ilalim. Kung kalalapag lang ng bangaw dapat ay nasa ibabaw pa lang.

Chickboy management should give a thought on this matter. Management may have good intentions of serving people the food that they eat; however, they may be lacking in training their service crew. My daughter even told me that they once saw a dead cockroach on the floor. Hindi naman turo-turo ang chickboy, right?

If you love your customers, you should consider these observations and start to give your crew proper food handling. Defending your restaurant only shows that you are just plainly defensive, which is a clue that you know that there are some irregularities. Food must be served clean. I am calling the attention of BFAD or the government agency in-charge of checking the sanitation of fast food outlets.

The reason given to my daughter and her classmates -- putting the blame on the surroundings is not an excuse. Jollibee, McDo and other fast foods outlets are located in the markets and where there is huge human traffic but never will you see flies roaming inside the premises.

Missning said...

I also had nice and not so nice experiences dining at Chickboy, the latter stays forever,so now I don't like them regardless of location/branch. My reason for dislike is not of the food but of the cashier & the food attendants (J.P.Rizal-Poblacion,Makati)-most of them are untrained,insensitive,disrespectful; their Supervisor though was kind and professional(and also good-looking) - he came just in time to help. But still, I wouldn't settle for a diner that doesn't serve well.

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

 
Design by Wordpress Theme | Bloggerized by Free Blogger Templates | coupon codes